Ni: Mary Ann Santiago

Inatasan ng Manila Sanitation office ang isang punerarya, na accredited ng Manila Police District (MPD), na ilibing na sa lalong madaling panahon ang mga bangkay na may ilang buwan nang nasa kanilang kustodiya dahil walang kumukuha sa mga ito.

Binigyan lamang ni Sanitary officer Boyet San Gabriel ng anim na araw ang Archangel Funeral Homes sa Sampaloc, Manila upang ilibing na sa Manila North o South Cemetery ang 25 bangkay na nasa kanilang tanggapan.

Nauna rito, ininspeksiyon nina San Gabriel ang tanggapan ng naturang punerarya matapos na makatanggap ng reklamo hinggil sa umano’y “nilalangaw” at nagkalat na mga bangkay na nakatengga sa naturang punerarya.

Night Owl

Kailangan mong bumoto