Ni: Genalyn D. Kabiling

Magkakaroon na sa wakas ang bansa ng kauna-unahan nitong subway system sa Metro Manila matapos na aprubahan ang proyekto bilang isa sa 10 inaprubahan ng National Economic and Development Authority (NEDA) nitong Martes.

Inaprubahan ang mga major infrastructure project kahit wala si Pangulong Duterte, chairman ng NEDA Board, sa pulong.

“In the absence of the President, the NEDA Secretary as NEDA Board vice chair presided over the NB meeting,” lahad ni Presidential Spokesman Ernesto Abella.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

“Today’s (Tuesday) meeting was approved and authorized by the President, due to other concerns that came about today (Tuesday), allowing Vice Chair to proceed, and with quorum established despite work suspension,” dagdag pa niya.

Sinabi rin ni Abella na ang Metro Manila subway project phase ay “approved and confirmed” sa NEDA Board assembly.

Layunin ng P355.6-bilyon proyekto na pabilisin ang pampublikong transportasyon sa Metro Manila at sa mga kalapit na lugar.

Sa ilalim ng panukalang ito, ang 25-kilometer subway ay magkokonekta sa Mindanao Avenue sa Quezon City, sa Ninoy Aquino International Airport sa Parañaque.

Inaasahang sisimulan ang proyekto sa susunod na taon at matatapos sa 2025.