Ni: PNA

AABOT sa P2.31 bilyon ang pondo ng Department of Health (DoH) para sa mga drug abuse center ng gobyerno sa loob ng isang taon, sa ilalim ng panukalang pambansang budget para sa taong 2018, sinabi kahapon ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto.

Kahit na ang ipinanukalang gross budget ng DoH sa 2018 ay P164.8 bilyon, na siyam na porsiyentong mas mataas kaysa P151.3 bilyon na pondo para ngayong taon, sinabi ni Recto na ang pondo para sa mga rehabilitation facility ng DoH ay aabot lamang sa P759.6 milyon mula sa kasalukuyang P3.08 bilyon.

“If drug addiction is a disease, is this budgetary prescription from our health official the right one?” ani Recto.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

“The word from the DoH is that private donations will make up for the difference. If that is the case, DoH should submit a listing of where the replacement funds would come from because that is too big a vacuum to fill,” dagdag pa niya.

Inihayag ni Recto na ang kanyang paliwanag na hindi pa opisyal ay tinatawag na “mega rehab center”, na itatayo ng mga pribadong donor.

“Fine. But what about the manning of those center? The training of personnel? Are the funds sought enough?” lahad pa ni Recto.

Ayon sa mga report, ang itinatayong limang regional drug treatment at rehabilitation center sa Taguig City at sa mga probinsiya ng Isabela, Mountain Province, Palawan, at Zamboanga ay pawang pinondohan ng mga pribadong donor.

Ang mababawas na P759.6 milyon budget para sa 2018 ay gagamitin upang pangasiwaan ang 14 na drug abuse treatment center, isa sa mga ito ang bubuksan sa isang taon at susuporta sa operasyon ng mega rehab center, na itinayo ng isang Chinese tycoon sa Nueva Ecija.

“Is that money enough for the DoH hospitals with drug rehabilitation programs? Will it be enough to support community-level abatement programs?” aniya.

Binanggit pa niyang ang kawalan ng rehabilitation center ay daan upang mapababa ang “declared government policy” na tulungang magbagong-buhay ang mga naabuso ng ilegal na droga.

“The existing policy is still ‘save the users’ and not ‘salvage the users.’ For as long as that policy remains, then government is duty-bound to help those who have volunteered for treatment by providing a new path to a better life for them,” dagdag pa ni Recto.