Ni ADOR SALUTA

SA Instagram post last September 11, nagpahiwatig ng pamamaalam si Matt Evans sa ABS-CBN na naka-discover sa kanya at pinagtrabahuhan niya for the past 11 years.

Mina-manage na siya ngayon ni Rams David under his company AGP na identified sa GMA-7.

MATT copy

ALAMIN: Ano nga ba ang EBET Law na pinirmahan ni PBBM

Kahit wala pang kumpirmasyon mula kay Matt, malinaw na ang kanyang pamamaalam sa kanyang appearance sa Kapuso noontime program last September 11 (naglaro sa “Jack en Poy” segment), the same day he posted his farewell message to his Kapamilya bossings.

Ani Matt sa kanyang post, “To my Star Magic family, Mr. M, Ms. Mariole, my handler - Ate @nhilanhils, Star Magic handlers and RMs, @captainluz & my Star Magic basketball family. Higit sa lahat Tita Cory, Tatay Lauren.

“Kay Sir Deo Endrinal @deoendrinal na nagbigay sa akin ng kauna-unahang project as Pedro Penduko at ang GMO unit na nagbigay sa akin ng mga natatangi pagganap -- Ms. @ginnyocampo, Kuya @markgile, Ms. Ellen Criste, Ate @themasterprocrastinator, @domregaya, my GMO unit family, Star Creatives..

“Maraming-maraming salamat po sa tiwala. Eleven (11) years. I will miss you all.

“Utang ko ang lahat ng natutunan ko sa industriyang ito sa inyong lahat. Mahal ko kayo.”

Nag-umpisa bilang housemate ni Kuya si Matt sa Pinoy Big Brother Teen Edition season one noong April 2006. He was evicted on Day 28.

Kahit pa evicted sa Bahay ni Kuya, nakitaan ng potensiyal si Matt at nabigyan ng big break sa TV as lead role ng popular comics character na Pedro Penduko sa ABS-CBN’s TV version of Da Adventures of Pedro Penduko noong taon ding yun.

Ang last project ni Matt sa ABS-CBN ay ang The Greatest Love with Sylvia Sanchez, Dimples Romana, Arron Villaflor at iba pa.