Ni JIMI ESCALA

MAINIT na pinag-uusapan ang naging botohan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso hinggil sa budget ng Commission on Human Rights (CHR) -- na nagresulta sa 119 na pabor sa P1,000 na budget for 2018 samantalang 32 lamang ang kumontra.

CONG. VILMA SANTOS copy

Higit na nakakarami sa mga taga-showbiz ang nag-react at hindi matanggap na halos lahat ng mga artistang pumalaot sa pulitika ay pabor na tapyasan at sobrang kinawawa ang budget ng CHR.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Ang mga kagaya nina Congw. Lucy Torres-Gomez, Cong. Alfred Vargas, Cong. Yul Servo at iba pa ay bumoto ng pabor sa P1,000 budget kaya ganoon na lang ang pagkadismaya ng mga taga-showbiz sa kanila.

Pinagdudahan din na kasama nila ang kinatawan ng 6th District ng Batangas na si Congw. Vilma Santos-Recto nang hindi makita ang pangalan niya sa 32 lawmakers na kumontra, kaya agad nang may nang-bash.

“I wasn’t able to attend yesterday’s session ‘cause I had an ulcer’s attack. I’m under medication. But will work today,” reply ni Ate Vi nang tanungin namin kung nakadalo ba siya o hindi sa nasabing session.

Sa utos ni Boss Dindo, naitanong namin agad kay Cong. Vi kung ano ang stand niya sa nasabing isyu.

“I am against cutting the budget of the CHR. The Commission has a duty to perform its Constitutional mandate. With so many crimes/ EJK -- it needs more resources for these investigations.

“Ito ang isang ahensiya na tumutulong sa karapatang pangtao,” diretsahang paliwanag ng premyadong actress/public servant.