KUALA LUMPUR, Malaysia -- Target ng powerlifting team, sa pangunguna ng beteranong si Adeline Dumapong-Ancheta, ang dalawang gintong medalya sa kanilang pagsabak sa 9th ASEAN Para Games simula sa Linggo sa Bukit Jalil National Sports Complex dito.

Lalaban si Dumapong-Ancheta, 43, sa over-86 kilograms division, habang panlaban ng bansa si Achelle Guion, 44, sa 45-kg category.

“That’s the team’s target, to get two golds and if we’re lucky, we could get more,” sambit ni Dumapong-Ancheta, lumalaban na sa international meet bago pa man sinimulan ang ASEAN Para Games noong 2001.

Kabilang din sa koponan sina Marydol Pamatian, target na ma-improve ang bronze medal na napagwagihan sa Singapore may dalawang taon na ang nakalilipas, Agustin Kitan at Romeo Tayawa.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Mataas ang kumpiyansa ng Team Philippine kay Dumapong-Ancheta mula nang makamit ang bronze medal sa Paralympics may 17 taong na ang nakalilipas sa Sydney, Australia.

“Before, we only train if there’s competition and there was even a time we only one shirt with only our country’s flag as design. I also recall one time when we were refused entry into the athlete’s village because we haven’t paid our accommodation,” pahayag ni Dumapong-Ancheta.

“I’m happy now that the conditions now have tremendously improved,” aniya.

Taliwas sa nakalipas na taon, bahagi na rin ang mga Para athletes sa cash incentives ng pamahalaan. Tatanggap ng P150,000 ang gold medalist sa ASEAN Para Games, habang P75,000 ang silver at P30,000 ang bronze.

“In fairness, PSC chairman Butch Ramirez, since he took over last year, has made sure we receive our monthly salary on time,” aniya.