GINULAT ng Holy Angel University ang Manuel Luis Quezon University, 86-80, habang naungusan ng Enderun ang New Era University, 57-53, sa dalawang makapigil-hiningang sagupaan sa NAASCU Season 17 men’s basketball tournament sa RTU gym sa Mandaluyong.

Nagpasiklab si Mark Emmanuel Tungcul sa kanyang double-double na 18 puntos at 16 rebounds para tulungan ang Holy Angel na itala ang unang panalo matapos ang tatlong sunod na kabiguan sa Group B.

Si Clarence Tiquia ay umiskor naman ng 24 puntos para sa MLQU, bumagsak sa 2-3 karta.

Ang Enderun ay sumandal kay John Vidal na may 15 puntos, limang rebounds at limang assists para biguin ang New Era at masungkit ang ikatlong panalo sa limang laro.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Para sa New Era, gumawa si Nemesis Dela Cruz ng 17 markers.

Samantala, nag-desisyon si NAASCU commissioner Pido Jarencio na kanselahin na ang dalawa pang kasunod na laro dahil sa malakas na pag-ulan hatid ng bagyong Maring.

Isina-alang naman ni Jarencio ang kaligtasan ng mga players dahil sa naging madulas na kapaligiran sa playing venue.

Iskor:

(Unang Laro)

HAU (86) -- Tungcul 18, Sampang 18, Candelaria 14, Pacoma 10, Miranda 6, Mamucud 6, Patawaran 5, Luna N. 4, Ocampo 3, Luna F. 2.

MLQU (80) -- Tiquia 24, Asturiano 15, Rivera 14, Lao 12, Grimaldo 8, Dela Cruz 4, Dela Punta 2, Jamila 1, Estrella 0.

Quarterscores: 28-30, 45-45, 54-57, 86-80.

(Ikalawang Laro)

Enderun (57) -- Vidal 15, Dela Cruz 12, Wabo Kaptue 8, Villar 8, Gatdula 6, Nuñez 3, Tancioco 3, Dungan 2, Cadavos 0, Grilli 0.

NEU (53) -- Dela Cruz 17, Bringas 14, Castillo 10, Comia 3, Macaranas 3, Plema 2, Asistio 2, Absin 2, Udjan 0, Magkalas 0.

Quarterscores: 15-17, 27-29, 41-38, 57-53.