Ni: Nitz Miralles

NABASA ang post ni Robin Padilla sa social media na hindi siya natuloy umalis dahil sa hold departure order ng Bureau of Immigration. Ipinost din niya ang invitation letter sa kanya ng Sultanate of Sulu.

ROBIN copy

“Isa na namang dagok ang bumalot sa isang makasaysayang ganap na makapagbibigay sana ng mas kamulatan sa aking pag-aaral ng kasaysayan ng Inang Bayan bago dumating ang mga mananakop na mga puti mula sa Europa. Ako’y pinalad na maimbita ng mahal na prinsesa ng Sultanate of Sulu para tumungo sa China at masaksihan ang magaganap na pagdiriwang ng napakatandang relasyon ng malakas na bansang Tsino/China at ng Sultanate of Sulu... sa hindi maipaliwanag na pangyayari ay hindi ako makakaalis ng bansa dahil ako ay may hold order sa Bureau of Immigration.

Human-Interest

Mag-asawang hindi nakapagtapos ng pag-aaral, pinagtapos naman ang 9 na anak!

Napakagulo ng naganap na ito sapagkat noong ako’y conditional pardon lamang kailanman ay hindi ako nagkaroon ng suliranin sa pag-alis ng Inangbayan pero ngayon na absolute pardon na ako ay ngayon pa ako nabiyayaan ng hold order ng BI. Wala naman akong bagong kaso sa kahit saan na korte, wala akong makitang dahilan maliban sa TATTOO ko na dragon... baka pati ako ay TRIAD na rin... naku po naman baka ipatawag pa ako ng Senado aba’y hindi ko kayo tatanggihan game ako d’yan...

Nakapanghihina naman po ang binabayaran kong malaking tax kung palagi akong kasama sa usual suspects. Binigyan na po ako ng isang pagkakataon ng Pangulong Rodrigo Duterte sana po ay pati ang mga nasa ilalim na sangay ng gobyerno ay bigyan din ako ng pagkakataon. Matanda na rin po ako, ang mga ganitong legal stress ay damage na po ang binibigay hindi na po thrill... Sumaatin nawa ang kapayapaan Amen.”

Gayunpaman, may magandang balita si Robin. Nakapaglagay na ng deep well sa isang evacuation center sa Marawi City.

Sixteen ang kailangang deep well sa 42 evacuation centers.

“Kaya 15 pa po ang ating gagapangin In shaa Allah,” aniya.