Ni: Gilbert Espeña
IDEDEPENSA ni Donnie ‘Ahas’ Nietes ang IBF flyweight championship laban kay mandatory challenger at dating WBA 112 pounds titlist Juan Carlos Reveco ng Argentina sa Cebu City sa Nobyembre.
Nakalistang No. 3 sa IBF rankings, tinalo ni Reveco ang No. 4 ranked na dating world title challenger Komkrit Nanapetch ng Thailand sa 12-round unanimous decision noong nakaraang Biyernes sa Mendoza, Argentina.
Ayon sa manedyer ni Nietes na si Michael Aldeguer ng ALA Boxing Gym, kung magwawagi si Nietes laban kay Reveco ay ikakasa niya ito sa unification bout sa iba pang world flyweight champion.
”We are looking at November for Donnie as his next fight will be a mandatory against former WBA champion Reveco,” sabi ni Aldeguer sa BoxingScene.com. ”Our goal is to have Donnie fight the bigger names at 112. We originally wanted to go after Juan Francisco Estrada and Roman Gonzalez but both moved up to the 115-pound division. We will see what’s next for Donnie after the mandatory fight in November.”
Idiniin ni Aldeguer na masyadong maliit si Nietes kung aakyat sa super flyweight division kaya unification bout na lamang sa mga Hapones na sina WBC flyweight champion Daigo Higa, WBA titleholder Kazuto Ioka at WBO ruler Sho Kimura ang aambisyunin ng 35-anyos na boksingero mula sa Bacolod City.
”Donnie will stay at 112 pounds for now as he may be too small for 115,” dagdag ni Aldeguer.
May rekord si Nietes na 40-1-4, tampok ang 22 panalo sa knockouts, samantalang ang 34-anyos na si Reveco ay may kartadang 39-3-0, na may 19 pagwawagi sa kncokouts.