GM Gomez at IM Bersamina, co-leader sa ‘Battle of Grandmasters’.
Standings after eight rounds:
(Men)
5.5 -- J. Gomez, P. Bersamina
4.5 points – J. Morado. H. Pascua, R. Barcenilla 4 -- J. Jota 3.5 -- C. Garma 2.5 -- D. Laylo. R. Bancod
1.5 -- M. Concio, J. Miciano 0 -- R. Antonio.
(Women)
5.5 – B. Galas, M. San Diego
5 – C.Secopito 4.5 – M. Suede
4 -- C. Mejia, A. Lozano, S. Mendoza3.5 – C. Bernales 2 - -F. Magpily
1.5 – M. Yaon .5 -- . Mendoza
NAIPUWERSA nina top seed Grandmaster John Paul Gomez at International Master Paulo Bersamina ang krusyal na draw sa kani-kanilang laro para manatiling tabla sa liderato matapos ang ikawalong round ng ‘Battle of Grandmasters’-National Chess Championships kahapon sa Alphaland Makati.
Nakihati ng puntos si Gomez, may pinakamataas na world rating sa torneo tangan ang ELO 2464, kay IM Ronald Bancod matapos ang 30 moves ng French defense, habang nagtabla sina Bersamina kontra sa dating co-leader na si Jonathan Jota sa parehong 30 moves ng Ruy Lopez para magsosyo tangan ang 5.5 puntos sa 11-round tournament na inorganisa ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP), sa pamumuno ni Cong. Prospero “Butch” Pichay, at suportado ng Philippine Sports Commission (PSC).
Nauna rito, nagwagi si Gomez via default kay Jota, habang nanaig si Bersamina kay IM Chito Garma sa ikapitong round nitong Linggo.
Magkasosyo naman sa ikatlo hanggang ikalimang puwesto sina Jeth Romy Morado, IM Haridas Pascua at United States-based Gm Rogelio Barcenilla hawak ang parehong 4.5 puntos.
Nalaglag naman si Jota, co-leader sa unang anim na round, sa ikaanim na puwesto na may apat na puntos. Hindi sinipot ni Jota ang laro laban kay Gomez para samahan ang mga kasangga sa Lyceum of the Philippinesduring sa semifinal duel kontra College of St. Benilde sa NCAA chess competition.
Ayon sa NCFP, kailangan lamang ng 20-anyos na si Jota na makaiskor ng 6.5 puntos para makopo ang IM norm.
“It was Jota’s first loss. With three rounds left, Jota’s IM norm is considered gone. Perhaps Jota has time to be an IM but an NCAA chess crown for Lyceum could not be put off,” pahayag ng beteranong chess writer na si Ignacio Dee sa kanyang komento sa social media group Chess Philippines.
Iginiit naman ni LPU coach Christopher Cunanan na mas binigyan ng prioridad ni Jota ang kampanya ng Lyceum na may tsansang makausad sa championship round.
“He (Jota) and Curioso led LPU to 2.5-1.5 win over St. Benilde and a chance to battle San Beda in the championship.
We needed him in the team against St. Benilde,” pahayag ni Cunanan.
Para makopo ang IM norm, kakailanganin ni Jota na makaiskor ng 2.5 puntos sa huling tatlong laro kontra kina Morado, Pascua at Garma.
Sa women’s division, ginapi ni De La Salle University standout WIM Bernadette Galas si Arvie Lozano para manatiling co-leader kay WIM Marie Antoinette San Diego, tumabla kay WFM Shania Mae Mendoza.
Tangan nina Gales at San Diego, nanguna sa La Salle sa matagumpay na kampanya sa UAAP women’s title sa nakalipas na season, ang parehong 5.5 puntos.
Naungusan naman ni WIM Catherine Perena-Secopito si WIM Christy Lamiel Bernales para sa solong ikatlong puwesto (5 puntos).
Ginapi ni WIM Mikee Charlen Suede si Bernales bago nanalo via default kay WIM Beverly Mendoza para makoo ang solong ikaapat na puwesto (4.5 puntos).
Si NCFP official Red Dumuk ang tournament director, habang si Hene Poliarco ang supervising arbiter.