Ni: Ellalyn De Vera-Ruiz

Uulanin ang Luzon ngayong linggo.

Dalawang bagyo—ang ‘Lannie’ at ‘Maring’ – ang inaasahang magdadala ng pag-ulan sa Luzon at ilang parte sa Visayas sa buong linggo, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Ayon kay Meno Mendoza, weather forecaster, ang namataang LPA, 400 kilometro (km) sa silangan ng Quezon kahapon ng umaga, ay nagdulot ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan, at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan kahapon sa Metro Manila, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, Marinduque, Romblon, Quezon, Aurora, Albay, Catanduanes, Camarines Norte, Camarines Sur, Masbate, Sorsogon, at Visayas.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Pasado 5:00 ng hapon kahapon nang maging ganap itong bagyo at tinawag na Maring.

Samantala, ang tropical cyclone na may international name na ‘Talim’ ay patuloy na kumikilos pahilagang Luzon at nakapasok na sa Philippine area of responsibility (PAR) bandang 2:00 ng hapon kahapon.

Naging ganap na bagyo ang Lannie, na may lakas ng hanging nasa 120 kilometers per hour (kph) at may bugsong aabot sa 145 kph.

Ayon kay Mendoza, palalakasin ng bagyo ang habagat ngayong Martes, at magla-landfall sa Hilagang Luzon sa Miyerkules.

Aniya pa, asahan ang katamtaman at malakas na pag-ulan sa Metro Manila, Timog Luzon, Gitnang Luzon, at ilang parte sa Visayas ngayong Martes—at ang pag-uulan ay tatagal hanggang Biyernes.