Ni: Aaron Recuenco, Beth Camia at Rommel Tabbad

Itinanggi kahapon ng Philippine National Police (PNP) na tinangka nitong puwersahang kuhanin ang menor de edad na testigo sa pagpatay kay Kian Loyd delos Santos mula sa kustodiya ng isang obispo sa Caloocan City.

Nilinaw ni Director Roel Obusan, hepe ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), na walang nangyaring puwersahan o tensiyon nang samahan nila ang ama ng mga bata sa isang Simbahang Katoliko kung saan nakatuloy ang mga ito.

“There was no such thing that happened. We are just helping the father to get the children,” paliwanag ni Obusan.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ang menor de edad na testigo ay nasa kustodiya ni Caloocan City Bishop Pablo Virgilio David, kasama ang dalawa pang adult na testigo.

Nagpakupkop na rin sa obispo ang dalawang kapatid ng menor, habang nasa kustodiya naman ng CIDG ang ama ng mga bata.

then in the custody of the CIDG.

Ayon kay Obusan, mismong ang ama ang nagpasama sa kanila sa simabahan, kaya nagtungo sila roon nitong Sabado kasama ang mga operatiba ng CIDG, mga kinatawan ng Public Attorney’s Office (PAO), at ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC).

Aniya, matapos ang pag-uusap ay nagbago ng desisyon ang ama at hindi na nito binawi sa obispo ang mga anak, at pinili na ring manatili sa simbahan kasama ang mga anak.

Samantala, nagbabala naman si Department of Justice (DoJ) Secretary Vitaliano Aguirre II na maaaring magsampa sila ng kaso laban sa mga kumukupkop sa mga pangunahing saksi sa pagpatay kay delos Santos.

Giit niya, tanging ang Do Jang may legal na mandato upang mag-kustodiya sa mga testigo sa isang krimen.

Tinawag naman ni PAO Chief Persida Acosta na “fake news” ang napabalitang ang kanyang tanggapan ang nagpiyansa sa ama ng mga testigo, na may kasong may kaugnayan sa droga.

Aniya, biglang nawala sa kulungan ang ama nitong Miyerkules dahil “may nagpiyansa sa kanya”.

Kinasuhan na ng National Bureau of Investigation ang tatlong pulis-Caloocan na pumatay sa 17-anyos na si delos Santos matapos umanong manlaban nitong Agosto 16, 2017.