Ni: Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon

(Fil Oil Flying V Center)

12 n.t. -- Arellano vs Mapua (jrs /srs)

Angelica Yulo, proud na ibinida hakot awards na 'Golden Boy' anak na si Eldrew

4 n.h. -- Perpetual vs San Sebastian (srs/jrs)

Standings

Lyceum 11-0

San Beda 10-1

JRU 6-4

Letran 5-5

SSC-R 5-5

EAC 4-6

Perpetual 4-6

Arellano 4-6

CSB 2-9

Mapua 1-9

DIKDIKAN na ang labanan para sa Final Four at target ng host San Sebastian College na hindi maiwan sa kangkungan sa pakikipagtuos kontra sa University of Perpetual sa tampok na laro ngayon sa seniors division sa pagpapatuloy ng second round ng NCAA Season 93 basketball tournament sa Fil Oil Flying V Center sa San Juan City.

Kasosyo ng Stags ang Letran Knights sa ikaapat na puwesto tangan ang 5-5 karta, isang panalo ang bentahe sa magkakakabit na EAC, Perpetuala t Arellano (4-6).

Ganap na 4:00 ng hapon ang muling pagtatapat nang magkaribal.

Tinalo ng Altas ang Knights, 88-82, sa second round ng elimination nitong Huwebes na nagbigay buhay sa kanilang target na umabot ng Final Four round.

Naipanalo naman ng Stags ang unang laro sa second round kontra Emilio Aguinaldo College Generals noong Biyernes, 81-69.

Ang pagbabalik ng kanilang skipper at topgun na si Michael Calisaan mula sa one game suspension ang nakatulong ng malaki para sa panalo ng Stags.

Kaya naman inaasahang magiging matindi ang tapatan nila ni Gab Dagangon na siya namang gumiya sa Altas upang gapiin ang Knights.

Ngunit maliban kay Dagangon, magiging malaking problema rin para sa Stags kung paanong mapipigil ang pananalasa ng leading MVP candidate na si Prince Eze sa shaded area.

Mauuna rito, magtatangka ang Arellano University, gaya ng Perpetual na umangat mula sa kinalalagyang 3-way tie sa fifth spot sa pagtutuos nila ng cellar dweller Mapua University na hangad namang maputol na ang pagbulusok sa ilalim.