Ni Marivic Awitan

INAASAN na ni Ron Dennison ang aksiyon ng La Salle fans. Ngunit, imbes na masira ang diskarte, ipinakita ng Far Eastern University guard ang ‘maturity’ sa isang kritikal na sitwasyon.

Higit at isa siya sa sentro ng kontrobersya na bumalot sa dalawang koponan sa isang exhibition game sa Davao City isang linggo bago ang opening day ng UAAP seniors basketball.

“Okey lang, expected ko na naman ‘yun. Pero ako, sabi ko sa sarili ko hindi ako mapipikon. Laro lang,’” sambit ni Dennison patungkol sa tinanggap na booos mula sa mga tagahanga ng Archers.

Dalawang Pinoy mountaineers, sumakses sa tuktok ng Mt. Everest

Nabigo man ang Tamaraws, 95-90, nagpakita ng katatagan ang Cebuano cager.

Hataw si Dennison sa naiskor na 21 puntos mula sa 10-of-14 shooting, bukod sa pitong rebounds at apat na assists.

“Actually, naging motivation para sa akin yun. Pero ang importante, ipinakita ko na kaya kong maglaro ng malinis,” aniya.

Sa kabuuan ng laro, hindi nagpatinag ang Tamaraws at nagawang maibaba sa apat na puntos ang pinakamalaking 23 puntos na bentahe ng Archers.

“Sayang. Nakakuha kami ng momentum nung five minutes ng fourth ata yun. Pero nakapos na. Naunahan na kami, natambakan kami ng first half,” pahayag ni Dennison.

Sa kabuuan, magaan ang loob ni Dennison sa kinalabasan ng kanilang duwelo sa La Salle.

“Babawi na lang kami sa susunod,”