MULA sa nakapanlulumong pagtatapos ng kanilang kampanya noong isang taon, binuksan ng University of Santo Tomas ang UAAP Season 80 women’s basketball tournament sa pamamagitan ng 85-58 na pagdurog sa University of the Philippines kahapon sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Tumapos si UST Tigresses team captain Jhenn Angeles na may game-high 24 puntos na sinundan nina Sai Larosa at Beth Penaflor na may 19 at 12 puntos ayon sa pagkakasunod.

“We had nine months preparation after the last UAAP. That’s the best thing that happened for us,” ani UST head coach Haydee Ong. “We’re happy to get our first win of the season kasi last year talo kami.”

“We made an adjustment na mag-four small para mabilis,” dagdag pa ni Ong. “Yung defense namin forced them to long shots and our transition defense yung nag-work sa amin.”

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nagtala ang Growling Tigresses ng 20-1 run sa huling 6:27 ng laban upang mapalobo ang naunang walong puntos na kalamangan sa 27 puntos.

Nanguna ang nagbabalik na si Iris Isip mula sa ACL injury para sa UP sa itinala nitong team-high 22 puntos. - Marivic Awitan