TANGGAP na ni Sharon Cuneta na hindi na matutuloy ang dapat sana’y reunion movie niIa ng ex-husband Gabby Concepcion. Disappointed ang aktres na wala nang inaabangang Sharon-Gabby film ang kanilang fans.

“I was supposed to do this big movie of ours. My whole year was already planned out. That was supposed to shoot starting March this year. It ruined my whole schedule but it didn’t matter then. I kept praying to God kasi sabi ko, ‘Bakit parang lagi na lang may problema, may issue ‘tapos hindi matuluy-tuloy?’ May commitment na tapos hindi pala. Ang dami laging snags, ang daming parang obstacles, hindi matuluy-tuloy,” sabi ng megastar.

Gayunpaman, hindi naman daw niya top priority ang comeback movie dahil busy naman siya sa ilang Kapamilya shows.

Sharon Cuneta“Sabi ko na lang, ‘Lord, everything naman ikaw naman ang bahala talaga, eh. It’s Your will. Basta whatever is Your will Lord, let Your will be done.’ Kasi that was going to be a good comeback for both of us, not just me. And I didn’t really need a big comeback movie with a ka-love team because I already had a hit show again, well two hit shows -- Your Face Sounds Familiar and The Voice and ‘yung album and everything. I have concerts here and there,” pahayag ni Shawie.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Mabuti na lang daw at dumating ang offer na Ang Pamilyang Hindi Lumuluha na kalaunan ay isa siya sa naging producers na masasabing blessing in disguise dahil napagtuunan niya ng pansin ang sinasabing role na isinulat for her ng scriptwriter.

“Parang I wanted closure for our fans. Kasi nu’ng una siya (Gabby) ‘yung excited gumawa ng movie, eh. ‘Tapos nu’ng puwede na ako... basta, hindi matuloy.

“Sabi ko, ‘Baka naman ayaw talaga ng Panginoon.’ Tingnan natin. Ito (Ang Pamilyang Hindi Lumuluha) ‘yung binigay niya. Ito ‘yung natuloy. Ito ‘yung lumalabas na parang comeback ko and it had to be different, it had to be an indie, it had to be this story. This little movie that came on the heels of the success of another small movie called Kita Kita which I fell in love with. Parang sabi ko, ‘Oh my God, God knows the timing of everything.’”

Naging bahagi ng Cinemalaya Film Festival ang naturang movie at sabi ng megastar, happy siya sa suporta ng fans sa kanyang unexpected comeback film.

“Modesty aside, kami ‘yung top grosser sa Cinemalaya. Fans would really go to Greenbelt, Glorietta, Trinoma and take pictures of the seating arrangements sa mga monitors na full ‘tapos magti-text sa akin ‘yung mga ka-close kong fans na pumapalakpak daw ‘yung mga tao sa sinehan pagkanood. Siyempre nakakataba ng puso.

“Hindi pa daw tapos ‘yung unang tawa may kasunod na. Ang sakit ng tiyan nila ‘tapos ‘pag tatayo na, biglang magpapalakpakan, so siyempre parang the little engine that could, parang ganu’n. So ang laking biyaya ng Diyos,” pagtatapos ng megastar. --Ador Saluta