Ni Genalyn D. Kabiling

Gaya ng kanyang mga anak, mahilig ding magpa-tattoo si Pangulong Duterte, at wala siyang kiyeme na ipakita sa publiko ang mga ito.

Ipinakita niya nitong Sabado ang koleksiyon niya ng body art — isang rosas at isang simbolo ng Guardian Brotherhood sa kanyang kanang braso — kasunod na rin ng hamon ni Senator Antonio Trillanes IV sa panganay niyang si Davao City Vice Mayor Paolo Duterte na ipakita ang triad tattoo nito.

Sa press conference sa pagbisita niya sa kampo ng militar sa Cagayan de Oro City nitong Sabado, naghubad ng jacket ang Pangulo at itinaas ang manggas ng kanyang polo shirt para ipakita ang kanyang mga tattoo.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

“It’s a rose,” ani Duterte habang ipinakikita ang tattoo ng rosas sa kanyang kanang braso.

“Dito ‘yung number ko ng Guardians, I don’t know what year is that. Guardians Brotherhood. Ito ‘yan,” dagdag pa niya habang itinuturo ang simbolo ng brotherhood sa kanan niyang braso, at isa pang maliit na tattoo sa kanan niyang kamay.

Pabiro pa niyang sinabihan ang kapwa Guardian na si Senator Gregorio Honasan na i-decode ang kanyang mga tattoo.

Sa huli, nagsalita na ang Pangulo tungkol sa paghamon sa kanyang anak na ipakita ang inamin nitong tattoo sa likod.

“Ako, anak ng Presidente ng Pilipinas, bigyan mo ng tattoo to recognize me? B*ll sh*t,” aniya, at sinabing mas interesante pa ang mga tattoo ng dalawa niyang anak na sina Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio at Baster Duterte.

“Dapat ninyo makita ang tattoo ni Inday. Nakita ninyo nasa likod ni Inday? O, hintayin n’yo mag-ano. Araw. Buong... baka magalit ‘yun,” sabi ni Duterte. “Baste, [sa] buong katawan [ang tattoo]. Kita mo ang kamay ni Baste, puro tattoo.” - May ulat ni Beth Camia