Binabantayan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang dalawang sama ng panahon malapit sa Philippine area of responsibility (PAR).

Sinabi ni PAGASA weather forecaster Robert Badrina, namataan ang unang bagyo na may international name na Talim sa layong 1,885 kilometro Silangan ng Luzon. Aabot sa 65 kilometro kada oras ang lakas ng bagyo at bugso nitong 80 kilometro bawat oras. Kumikilos ito pakalunran hilagang-kanluran sa bilis na 25 kph.

Kung tuluyang makapasok sa PAR ngayong araw, tatawagin itong bagyong ‘Lani’.

Isa low pressure area (LPA) ang namataan sa layong 745 km sa hilagang silangan ng Borongan City sa Eastern Samar. - Rommel P. Tabbad

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji