Magbibigay ang Australian military ng training assistance sa mga sundalong Pilipino upang mas maitaguyod ang kampanya kontra terorismo, ngunit hindi papayagan ang mga ito na sumabak sa bakbakan sa bansa, sinabi ng Malacañang kahapon.

Kinumpirma ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na ang pagpapadala ng mga sundalong Australian sa bansa ay may kaukulang limitasyon sa tulong na ibibigay ng mga ito sa gobyerno upang supilin ang rebelyon ng mga terorista sa Mindanao.

“The sending of Australian Defense Force (ADF) members to assist our military forces forms part of the offer of Australia to train the Armed Forces of the Philippines (AFP). Such training will be limited within the confines of our military bases,” ani Abella.

“These and other joint military exercises with Australia will not involve any boots on the ground in accordance with our law prohibiting the direct participation of foreign troops in combat operations,” aniya.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sa kasalukuyan, ang military assistance na ibinibigay ng Australia sa mga sundalo sa Marawi ay hanggang teknikal lamang.

“The Australians, for sometime now, have been providing technical assistance though their P3 Orion aircraft in the ongoing battle against the Daesh-inspired Maute Group still holed up in Marawi,” lahad ni Abella. - Genalyn D. Kabiling