NAISARA ng Samahang Basketbol ng Pilipinas ang isang deal sa pagitan ni 2014 NBA Draft ceremonial pick na si Isaiah Austin para sa serbisyo ng huli bilang import sa 2017 FIBA Asia Champions Cup ng Chooks to Go Gilas Pilipinas.

Nakatakdang ganapin ang FIBA Asia Cup sa Setyembre 22-30 sa Guangzhou, China.

Bukod dito, tinitingnan din ng pamunuan ng SBP ang posibilidad upang maging naturalized player ng Gilas ang 23- anyos na si Austin.

“Isaiah has been looked at by Coach Chot [Reyes] and the SBP for a long time. He is young and tall which is in line with the vision Coach Chot has for Gilas,” pahayag ni Bounty Agro Ventures Incorporated president Ronald Mascariñas.

Muntik mag-suntukan! Beermen vs Taoyuan, nagkainitan sa PBA-EASL

Taong 2016 nang huling maglaro ng basketball si Austin matapos magwithdraw sa 2014 NBA Draft pagkaraang niyang ma-diagnose na may Marfar syndrome, isang genetic disorder na nakakaapekto sa connective tissues ng isang tao.

Ito’y makaraan siyang ideklarang pasok sa NBA Draft matapos ang impresibo niyang performance sa Baylor University kung saan pinangunahan niya ang Bears sa NCAA March Madness.

Matapos muling bigyan ng go signal upang maglaro, agad pumirma ang 7-foot-1 big man sa Serbian club team KK FMP Beogard ng Adriatic League kung saan ito nag -average ng 19.1 points and 3.2 rebounds sa loob ng 15.6 minuto sa siyam na laro.

Nakatakda siyang mag -ensayo para sa Gilas bukas, Setyembre 12. - Marivic Awitan