Mga laro ngayon (Fil Oil Flying V Center)

8 n.u. -- UP vs San Beda (men’s)

10 n.u. -- NU vs La Salle (men’s)

4 n.h. -- UP vs TIP (women’s)

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

6:30 n.h. -- SSC vs NU (women’s)

GINULANTANG ng Adamson University ang paboritong Arellano University matapos magpakita ng solidong blocking at floor defense, 25-20, 25-22, 25-15 upang maangkin ang solong pamumuno sa Group B ng Premier Volleyball League (PVL) Collegiate Conference sa Filoil Flying V Center sa San Juan City nitong Sabado sa Fil-Oil Center.

Pinatunayan ng Lady Falcons na hindi tsamba ang naitalang 5-set na panalo kontra UP Lady Maroons nitong Lunes, pinaulanan ng Lady Falcons ang Lady Chiefs ng malulutong na spikes at kinontrol ang atake ng reigning NCAA champions upang makamit ang ikalawang sunod nilang panalo.

Pinangunahan ni Jema Galanza ang panalo sa kanyang itinalang 18 puntos katulong sina Christine Soyud, Lee-Ann Perez, May Permentilla at Mary Joy Dacoron na nag-ambag ng pinagsamang 30 puntos.

“We didn’t think of a sweep but just did what we were supposed to do – work hard all throughout,” pahayag ni Adamson playmaker Fen Emnas, na nagtala naman ng 29 excellent sets.

Hindi nagawang sabayan ng Lady Chiefs ang matinding determinasyon ng Lady Falcons kaya nabalewala ang itinala ng kanilang playmaker na si Rhea Ramirez na 37 excellent sets.

Naputol ang naitala ng Lady Chiefs na back-to-back wins.

Nagtapos na topscorer para sa Arellano si Jovielyn Prado na may 11 puntos. Samantala, pinangunahan ni Chibueze Ikeh, sa naiskor na 18 puntos at 17 rebounds, ang Ateneo sa 85-65 panalo kontra Adamson sa season opener nitong Sabado ng gabi.

Nagawang madomina ni Ikeh ang laro sa pagkawala ni Adamson star Papi Sarr na hindi nakalaro dulot ng injury. - Marivic Awitan