Sinabi ng Philippine Army (PA) kahapon na magkakaloob ito ng sapat na tauhan para magbantay sa ika-100 anibersaryo ng kapanganakan ni dating President Ferdinand E. Marcos sa Libingan ng mga Bayani (LNMB) sa Taguig City ngayong araw.

Nakasaad sa pahayag ni Army spokesman Lt. Col. Rey Tiongson, na itatalaga ang mga militar bilang suporta sa Philippine National Police (PNP) na mangunguna sa pagbibigay ng seguridad sa mga gagawing aktibidad.

“The security inside Libingan is the same security that we are providing. We have contingencies in place to support the PNP if necessary in the event that there will be rallies,” anang Tiongson.

Nang tanungin kung ilang Army personnel ang itatalaga, sinabi ni Tiongson na hindi niya maibibigay ang eksaktong bilang dahil bahagi ito ng operational security.

National

Diokno kay Ex-Pres. Duterte: ‘Tara na, i-set na natin ang date mo sa ICC!’

Sinabi ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Public Affairs Office chief Marine Colonel Edgard Arevalo noong Biyernes, na ipinagbabawal ang media coverage sa anibersaryo ng kapanganakan ng dating pangulo sa LNMB.

Ayon kay Arevalo, hiniling mismo ng pamilya Marcos na maging pribado ang paggunita at “without media coverage.”

Magkakaroon ng pamisa, maikling programa at pananghalian para sa mga imbitadong bisita sa LNMB ngayong araw. Mahigpit na ipapatupad ang no invitation, no entry policy.

Kabilang sa mga inimbitahan ng pamilya sina Pangulong Rodrigo Duterte at Senate President Koko, ngunit pareho silang hindi makadadalo.

Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, wala siyang ideya tungkol sa imbitasyon sa Pangulo.

“If he’s received an invitation, I’m not aware of that. However he will be in Davao on Monday, as far as I know,” aniya Abella.

Samantala sa ambush interview sa Cagayan de Oro City nitong Sabado ng gabi, ipinagtanggol ni Duterte ang desisyon niya na special non-working holiday sa Ilocos Norte ang birth anniversary ni Marcos.

“Yes [they requested]. And I readily agreed. Bakit, what’s wrong?” balik-tanong ni Duterte sa mga mamamahayag.

“He was a president. To the Ilocanos, he was the greatest president. Why do we have to debate on that?” dugtong niya.

Ayon kay Duterte, itinuturing man nang marami na masama ang dating diktador, ngunit iba ang pagtingin sa kanya ng mga Ilocano.

“It’s one day where they can celebrate the anniversary of a great Ilocano. As far as the Ilocanos [are] concerned, Marcos is a hero,” aniya.

“[To others], sa tingin nila, si Marcos ay masamang tao. But that is not shared, that sentiment, that view is not shared by all. To the Ilocanos, that’s a lot of hogwash. Basura ‘yan,” dagdag niya. - Francis T. Wakefield, Beth Camia at Argyll Cyrus B. Geducos