Ni: Mary Ann Santiago

Pinaalalahanan ng gobyerno ang publiko na huwag basta-bastang bumili online o sa social media ng bakuna kontra sa Japanese encephalitis (JE), na nakukuha sa kagat ng lamok.

Batay sa Advisory 2017-265, sinabi ng Food and Drug Administration (FDA) na nakatanggap sila ng mga report na may JE vaccines at iba pang uri ng bakuna na ipinagbibili online, tulad sa social media, at sa mga website ng hindi awtorisadong distributors at retailers.

Ayon sa FDA, maaaring mas mababa ang kalidad, hindi pasado sa standards, o peke ang mabiling bakuna mula sa mga ito.

'We are the prize!' Giit nina Mariel, Toni: Babae hindi dapat naghahabol sa lalaki

Pinayuhan naman ni Health Undersecretary Gerardo Bayugo ang publiko na sa mga botika dapat bumili ng bakuna, at dapat na may reseta mula sa doktor sa pagbili nito—o ang pinakamainam, na sa mismong doktor na lang magpabakuna.