Ni: Bella Gamotea
Bulagta ang isang tricycle driver nang pagtulungang barilin ng dalawang riding-in-tandem sa Muntinlupa City kamakalawa.
Dead on the spot si Ervin Aguinaldo, alyas Piyok, 38, ng No. 222 Barangay Buli ng nasabing lungsod, dahil sa mga bala sa katawan.
Patuloy na inaalam ng awtoridad ang pagkakakilanlan ng apat na suspek na sakay sa dalawang motorsiklong walang plaka.
Sa ulat na ipinarating sa Southern Police District (SPD), naganap ang insidente sa tapat ng Rhapsody Condominium, sa panulukan ng East Service Road at Conception Road, Bgy. Buli, bandang 4:15 ng hapon.
Namamasada ang biktima sa nasabing lugar nang sumulpot ang apat na suspek at bumunot ng baril ang mga nakaangkas at pinaulanan ng bala si Aguinaldo.
Agad humarurot ang mga suspek sa hindi batid na direksiyon.