NAKALUSOT ang Our Lady of Fatima laban sa Enderun College, 71-69, sa isang kapana-panabik na sagupaan sa NAASCU Season 17 basketball tournament sa RTU gym sa Mandaluyong.

Umiskor si Rommel Diosa ng 17 puntos, kabilang ang isang makapigil-hiningang three-point shot na bumasag sa 66-all deadlock sa huling 2:57 ng laro upang tampukan ang ikalawang panalo sa tatlong laban ng Phoenix.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nakatuwang ni Diosa sina Miguel Cabrera, nag-ambag ng 12 puntos; Andrei Mendoza, na nag-dagdag ng 11 puntos; at Chris Essomba, na may anim na puntos at 12 rebounds.

Si Serge Wabo Kaptue ang namuno para sa Titans sa kanyang double-double na 15 puntos at 11 rebounds.

Sa ibang laro, winalis ng De Ocampo Memorial College ang De La Salle Araneta University, 108-85, para umakyat sa 4-0 record; at itinumba ng St. Francis College ang City University of Pasay, 79-57, para iangat ang kartada sa 3-2.

Iskor:

(Unang laro)

SFAC (79) -- Tolosa 15, Chu 10, Larotin 9, Derama 7, Parcero 6, Arellano 5, Taguiam 4, Lanoy 4, Cenita 4, Cristobal 4, Cruz 4, Ramos 3, Manzanilla 2, Espero 2, Ceguerra 0.

CUP (57) -- Aquino 20, Telpo 18, Erice 10, Villagomez K. 4, Acidre 3, Padilla 2, Diez 1, Dela Cruz 0.

Quarterscores: 24-9, 44-27, 62-40, 79-58.

(Ikalawang Laro)

OLFU (71) -- Diosa 17, Cabrera 12, Albano 11, Lumbera 7, Bargola 6, Pedrosa 4, Sarona 4, Gozum 2, Datu 2, Jimenez 0.

Enderun (69) -- Wabo Kaptue 15, Dela Cruz 13, Nuñez 13, Vidal 10, Dungan 8, Gatdula 7, Grilli 3, Cadavos 0.

Quarterscores: 24-10, 45-34, 58-58, 71-69 .

(Ikatlong laro)

DOMC (108) -- Caranguian 17, Clarito 16, Sabasaje 14, Montojo 13, Fabro 12, Atabay 11, Manalang 8, Cañeles 5, Gallardo 4, Wenceslao 3, Pascual 2, Guttierrez 2, Ramos 1, Lescano 0

DLSAU (85) -- Briones 23, Batungbakal 16, Aquino 10, Dela Torre 7, Balbuena 7, Alcoran 5,Cereno 4, Ponce 4, Correche 3, Del Rosario 3, Bation 2, Buslon 1, Cortes 0, Batan 0

Quarterscores: 27-27, 48-48, 86-64, 108-85