Ni: Bella Gamotea

Dadalo ang buong pamilya Marcos at ang matataas na opisyal ng gobyerno, partikular mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP), sa pagdiriwang ng ika-100 kaarawan ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City bukas, Setyembre 11.

Handa naman ang ilang militanteng grupo na magsagawa ng kilos-protesta sa kasagsagan ng okasyon sa nasabing himlayan.

Sa ngayon wala pang inilalabas na kumpirmasyon ang Malacañang kung dadalo si Pangulong Duterte.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Una nang napaulat na hinirit ng pamilya Marcos kay Pangulong Duterte na ideklarang special non-working day sa Ilocos Norte ang Setyembre 11, ang kaarawan ng dating Presidente.

Nobyembre 18, 2016 nang naging kontrobersiyal ang biglaang paghihimlay sa labi ng dating diktador sa Libingan ng mga Bayani 10 araw makaraang ibasura ng Korte Suprema pinagsama-samang petisyon na pumipigil sa libing.