Ni: Department of Health

PINALAWIG ng lokal na pamahalaan ng Makati City ang community-based na pagbabakuna laban sa dengue hanggang sa Biyernes, Setyembre 15, 2017, at nanawagan sa mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak.

Inihayag ni Makati City Mayor Abigail Binay na tatagal pa ng dalawang linggo ang nasabing programa sa lahat ng 26 na barangay health center sa lungsod upang mas mabigyan ng bakuna ang lahat ng bata sa siyudad na edad siyam hanggang 14.

“I’m encouraging parents of children who have yet to be vaccinated to bring their children to the health centers or allow them to be vaccinated in their respective schools,” sabi ni Binay.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nagsimula nitong Setyembre 4 at simula kahapon, ayon kay Makati Health Department (MHD) officer-in-charge Dr. Bernard Sese, nagbubukas ang lahat ng health center mula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali upang tumanggap ng mga batang babakunahan na ang mga magulang ay hindi puwedeng makadalo ng Lunes hanggang Biyernes.

Pinaalalahanan din ni Sese ang mga bata na ang mga batang babakunahan ay dapat kasama ang mga magulang o mga tagapag-alaga.

“The anti-dengue vaccine is meant to boost immunity against the dengue virus which is prevalent during the rainy season. The Aedes aegypti mosquito, the carrier of dengue, also transmits the Zika and Chikungunya viruses,” sabi ni Sese.

Ipinahayag ni Sese na ang mga bakuna na pinangangasiwaan ng mga tauhan ng MHD at mga nurse sa paaralan ay para sa apat na uri ng sakit na makukuha sa kagat ng lamok, at maibibigay sa tatlong magkakahiwalay na dose.

“This means that children who received the vaccines between August and September will be receiving a second dose in February, 2018 and the third and final dose in August, 2018,” lahad pa ni Sese.