Standings after five rounds:

Men

4 points -- H. Pascua, J. Jota, C. Garma

3.5 -- J. Gomez, P. Bersamina

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

3 -- R. Barcenilla

2.5 -- J. Morado

1 -- M. Concio,

R. Bancod, D. Laylo

.5 -- J. Miciano

0 -- R. Antonio

NANATILING dikit sa liderato sina Lyceum of the Philippines standout Jonathan Jota, International Masters Haridas Pascua at Chito Garma matapos ang ikalimang round ng ‘Battle of Grandmasters’ National Chess Championship kahapon sa Alphaland Makati City.

Ginapi ni Jota si reigning national junior champion John Marvin Miciani sa ika-47 sulong ng Sicilian para makopo ang apat na puntos at manatiling sosyo kina Pascua at Garma sa liderato.

Binabantayan ng chess aficionados si Jota bunsod nang malalaking panalo sa kaagahan ng torneo kontra kina GMs Darwin Laylo at Rogelio Antonio, Jr.

Tangan ng 20-anyos na pambato ni LPU coach Christopher Cunanan ang tatlong panalo at dalawang draw sa 12-player, round-robin tournament na inorganisa ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP) sa pakikipagtulungan ng Philippine Sports Commission (PSC).

Kakailangan ni Jota na makakuha ng 6.5 puntos para sa IM norm. Haharapin niya sa ikaanim na round si Michael Concio, Jr.

Tumabla naman si GM-candidate Haridas Pascua kay top seed GM John Paul Gomez sa marathon 80 moves ng Ruy Lopez, habang nakisosyo rin ng puntos si Chito Garma kay Concio sa 32 moves ng Pirc.

Nakabuntot sa kanila na may 3.5 puntos sina Gomez at IM Paulo Bersamina.

Nauna rito, tuluyan nang isinuko ni GM Rogelio Antonio, Jr. ang korona nang mag-witdraw bunsod nang labis na pananakit ng ulo dulot ng ‘sinusitis’.

Ayon kay NCFP executive director Red Dumuk, nag-complain si Antonio hinggil sa kanyang karamdaman bago pa man magsimula ang torneo.

Sa women’s division, nangunguna si Marie Antonette San Diego na may 4.5 puntos.

“But she (San Diego) would not have remained in the lead had Christy Bernales not spoiled a big advantage in Round 4,” pahayag ng beteranong chess journalist na si Ignacio Dee sa kanyang analysis sa social media group Chess Philippines.