Ni CHARINA CLARISSE L. ECHALUCE
Aabot sa 800,000 katao ang nagsu-suicide kada taon at ikinokonsiderang “global phenomenon,” base sa report ng World Health Organization, kasabay ng pagdiriwang ngayon ng World Suicide Prevention Day.
“Every year close to 800 000 people take their own life and there are many more people who attempt suicide. Every suicide is a tragedy that affects families, communities and entire countries and has long-lasting effects on the people left behind. Suicide occurs throughout the lifespan and was the second leading cause of death among 15- to 29-year-olds globally in 2015,” ayon sa WHO.
Ayon sa WHO, ang suicide ay isang “global phenomenon” sa iba’t ibang bahagi ng mundo.
“Suicide does not just occur in high-income countries, but is a global phenomenon in all regions of the world. In fact, over 78 percent of global suicides occurred in low- and middle-income countries in 2015. Suicide is a serious public health problem; however, suicides are preventable with timely, evidence-based and often low-cost interventions. For national responses to be effective, a comprehensive multisectoral suicide prevention strategy is needed,” ayon pa sa WHO.
Sa ngayon, ayon sa nabanggit na organisasyon, ang pinakamatinding indikasyon ng pagpapatiwakal ay ang minsan nang pagtatangka sa sariling buhay.
Sa kasalukuyan, itinuturing ng WHO ang suicide bilang isang “public health priority”.
MGA TAONG PROBLEMADO
Karamihan sa pagpapakamatay ay pabigla-bigla sa mga oras na nahaharap sa problema kasabay ng hindi makayanang stress, gaya ng pinansiyal na problema, nasirang relasyon o sakit, ayon sa WHO.
“In addition, experiencing conflict, disaster, violence, abuse, or loss and a sense of isolation are strongly associated with suicidal behaviour. Suicide rates are also high amongst vulnerable groups who experience discrimination, such as refugees and migrants; indigenous peoples; lesbian, gay, bisexual, transgender, intersex [LGBTI] persons; and prisoners.
MAAARING IWASAN
Pinaalalahanan ng WHO ang publiko na maaaring iwasan ang pagpapatiwakal at maraming puwedeng gawin upang hindi ito humantong sa pagpapakamatay.
Ilan sa mga paraan ay ang paglayo sa mga bagay na maaaring magamit sa pagpapakamatay gaya ng mga pesticide, mga armas, mga gamot at iba pa.
“Suicide is a complex issue and therefore suicide prevention efforts require coordination and collaboration among multiple sectors of society, including the health sector and other sectors such as education, labour, agriculture, business, justice, law, defense, politics, and the media. These efforts must be comprehensive and integrated as no single approach alone can make an impact on an issue as complex as suicide,” ayon sa WHO.