NAGSALITA ang troubled singer na si Sinead O’Connor tungkol sa diumano’y pang-aabuso ng kanyang ina noong siya ay bata pa at sa kanyang mental health struggles sa isang bagong eksplosibong panayam sa telebisyon.

Ang Nothing Compares 2 U singer ay kinapanayam ng TV self-help guru na si Dr. Phil McGraw at pinasalamatan niya ito sa pagbibigay ng oras para makinig sa kanya ilang linggo matapos siyang magpaskil ng 12-minutong video na umiiyak niyang sinabi na nagkakaroon siya ng suicidal thoughts, sa Facebook noong nakaraang buwan.

Sinead O'Connor
Sinead O'Connor
Sa panayam, ilalabas sa premiere ng bagong season ng Dr. Phil sa susunod na linggo, ikinuwento ni Sinead kay Dr. Phil ang diumano’y pang-aabuso na naranasan niya noong siya ay bata pa, sinabi na ang kanyang ina “ran a torture chamber”.

“She was a person who would delight and smile in torturing you,” anang Sinead.

Relasyon at Hiwalayan

Rayver Cruz, todo-bigay kapag nagmahal

Inakusahan din ng singer ang kanyang inang si Marie, namatay sa car crash noong 19-anyos si Sinead, ng seksuwal na pang-aabuso sa kanya, at sinabing balak niyang magkaroong malaking pagbabago sa kanyang buhay sa pamamagitan ng pagpapalit ng pangalan.

“Sinead O’Connor is gone,” aniya. “That person’s gone.”

Tinalakay din sa TV chat ang estado ng mental health ni Sinead, na kinuwestiyon at ikinabahala ng kanyang pamilya, mga kabigan, at tagahanga nitong mga nakaraang taon kasunod ng serye ng mga personal drama at bizarre post niya sa online, na nagbunsod ng espekulasyon na binabalak niyang magpakamatay.

Inamin ni Sinead kay Dr. Phil na walong beses sa isang taon siyang nagtangkang magpatiwakal.

“For you to have the courage to candidly and openly talk about this gives others the courage to come forward and seek the help they need,” sabi sa kanya ni Dr. Phil sa teaser ng bagong TV interview. - COVER MEDIA