Sinabi ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) na binigyan ng permiso si Assistant Secretary Margaux “Mocha” Uson na tuparin ang kanyang entertainment contracts nang pumasok siya sa serbisyo publiko.

Ito ang lumutang matapos ulanin ng batikos ang dating sexy performer at isa sa pinakamasugid na tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte kasunod ng mga ulat na nagtatanghal siya sa Resorts World (RW) Manila sa kabila ng pagbabawal ng gobyerno sa mga opisyal ng pamahalaan na pumasok sa mga casino.

Ipinaliwanag ni Communications Secretary Martin Andanar, sa isang mensahe sa text, na sa katunayan ay humiling si Uson ng permiso na patuloy na makapagtanghal ngunit iimbestigahan pa rin nila ang usapin.

“Mocha asked permission to honor her entertainment contracts when she joined government. Anyhow, we are still looking into the matter of Mocha performing inside RW,” anang Andanar.

National

Atty. Chel Diokno, benepisyaryo daw ng confidential funds ni VP Sara?

“Mocha can still perform if she wishes pero (but) I would discourage her from performing in places like casinos,” dugtong niya.

Sinabi rin ni Andanar na sisilipin nila ang isyung ito alinsunod sa Memorandum Circular No. 6 ni Dutetre na nagbabawal sa lahat ng opisyal ng pamahalaan na pumasok sa mga gambling casino. - Argyll Cyrus B. Geducos