Ni: Light A. Nolasco

SAN JOSE CITY, Nueva Ecija - Isang mag-ama ang nasawi makaraang mauwi sa engkuwentro ang anti-drug operation ng Drug Enforcement Unit (DEU) ng San Jose City Police at ng Nueva Ecija Police Provincial Office (NEPPO) sa pagsalakay sa bahay ng mga suspek sa Zone 4, Barangay Abar 1st sa siyudad, nitong Miyerkules ng madaling-araw.

Pinangunahan ni Senior Insp. Sandro Ortega ang operasyon sa nasabing lugar na nagresulta sa engkuwentro sa pagitan ng mga awtoridad at ng mag-amang Ernesto Parrenas y Brocelas, 55; at Jefferson Parrenas y Gabriel, 20, binata, kapwa residente sa nasabing lugar.

Dakong 3:30 ng umaga nang isang miyembro ng NEPPO-DEU ang umaktong poseur buyer ng droga sa bahay ng mga Parrenas.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Nakatunog umano ang mag-ama na pulis ang katransaksiyon kaya nagkaroon ng engkuwentro hanggang masawi ang dalawa.

Narekober umano sa crime scene ang ilang sachet ng hinihinalang shabu, isang .38 caliber Smith & Wesson, isang .45 caliber pistol, at mga basyo ng .9mm caliber pistol.