SIMULA na rin ang giyera sa UAAP Season 80 high school volleyball tournament ngayon sa Filoil Flying V Centre.

Kasabay ng opening ceremony ng basketball sa MOA Arena, magsasagupa rin ang Eya Laure-led University of Santo Tomas kontra UP Integrated School ganap na 12 ng tanghali, kasunod ang laban ng Adamson-University of the East sa 2 ng hapon.

Sisimulan ng National U, sa pangunguna ni Faith Nisperos, ang pagdepensa sa korona sa girls division kontra UP Integrated School sa Lunes ganap na 2 ng hapon, habang tatampukan ang boys class sa duwelo ng reigning titlist UE sa Linggo ganap na 12 ng tanghali.

Bago ang NU-UE contest, magtutuos sa boys’ competition ang Ateneo-Adamson sa 10 ng umaga, De La Salle-Zobel at UPIS sa 2 ng hapon kasunod ang laban ng Far Eastern University at Diliman.

Dalawang Pinoy mountaineers, sumakses sa tuktok ng Mt. Everest