JUDY ANN ANDREA AT JOROSS
JUDY ANN ANDREA AT JOROSS

Ni Jimi Escala

TUWANG-TUWA si Joross Gamboa na kasama siya sa pelikulang Ang Dalawang Mrs. Reyes na pinagbibidahan nina Judy Ann Santos at Angelica Panganiban at kasama rin sina JC de Vera at Andrea Brillantes.

Ito na raw ang masasabi niyang “pinaka” sa lahat ng nagawa na niyang pelikula. Para sa kanya ay nasa rurok na siya ng kanyang pagiging actor.

Charo Santos, Dingdong Dantes papasok sa Bahay Ni Kuya

Ikaw ba naman ang magiging leading man ng isang Judy Ann Santos.

“Nang sabihin sa akin na kasama ako sa movie na ‘yun nina Judy Ann at Angelica, sabi ko okey lang kahit taray-tarayan lang ako pero masasabi kong ang laking suwerte ko dahil ako pala ang magiging asawa niya sa pelikula.

“Kumbaga, isang malaking boom ito para sa career ko. Sobrang pasasalamat ko talaga ito. Para bang pakiramdam ko, eh, nasa rurok na ako ng aking career,” sabi ni Joross.

Napakalaki raw ng nagawa ni Judy Ann Santos sa career ng mga nakaparehang sina Piolo Pascual, Derek Ramsay at maging sa napangasawa nitong si Ryan Agoncillo.

“Sa totoo lang naman, eh, mga box office hits ang mga movie ni Judy Ann at never sa hinagap ko na mako-consider akong kapareha niya,” aniya.

Dagdag pa ni Joross, kung kailan sila parehong nagkapamilya ni Juday ay saka lang siya napasama sa malaking pelikula ang tinaguriang superstar ng kanyang henerasyon.