IPINAGKIBIT-BALIKAT lang ni Jennifer Lawrence ang matitinding reaksiyon sa kanyang bagong pelikulang Mother na pinalakpakan pero pinintasan din nang unang ipalabas ngayong linggo. Hati ang mga kritiko dahil may mga natuwa at nainis sa pelikula.

Tampok sa horror movie, idinirehe ni Darren Aronofsky, ang Oscar-winner na si Jennifer bilang young pregnant woman na nasira ang buhay nang dumating ang mga hindi inaasahang bisita sa bahay nilang mag-asawa sa isang liblib na lugar.

Jennifer Lawrence
Jennifer Lawrence
“The reviews have been just been cracking me up,” wika ni Jennifer sa mga mamamahayag sa London roll-out ng pelikula nitong Miyerkules pagkatapos ng world premiere nito sa Venice film festival.

“People either love it or they absolutely hate it and I think that’s so cool. Like there’s not one person that’s walked out of it like ‘uh,’ and I love that,” dugtong niya.

Tsika at Intriga

Olats sa politika: Luis, nagtanong alin sa shows niya trip ibalik ng netizens

Ipapalabas ang pelikula, tampok ang isa sa most sought-after actresses ng Hollywood at ang award-winning director, sa mga sinehan sa buong mundo sa susunod na linggo.

Tinawag ni Owen Gleiberman ng Variety ang pelikula na, “a baroque nightmare that’s about nothing but itself,” at inilarawan ito ni David Edelstein ng New York Magazine na “grandiose and self-aggrandizing.”

Binigyan ito ni Peter Bradshaw ng pahayagang Guardian ng Britain ng limang bituin, idinagdag na, “As horror it is ridiculous, as comedy it is startling and hilarious, and as a machine for freaking you out it is a thing of wonder.” - REUTERS