Tiniyak kahapon ni Interior and Local Government officer-in charge Undersecretary Catalino Cuy na magpapatuloy ang paglilinis ng scalawags sa hanay ng Philippine National Police (PNP) sa harap ng umano’y pagkakasangkot ng ilang pulis sa extrajudicial killings sa bansa.

Ito ang tiniyak ni Cuy sa isang panayam sa Quezon City, sinabing ilang tiwaling pulis ang nagsasamantala sa drug war kaya kailangang masibak na ang mga ito sa serbisyo.

“Continuing ‘yan kaya nga ang effort ng PNP and’yan,” sabi ni Cuy. “I am always coordinating with the PNP leadership although mag-concentrate tayo sa anti-drug campaign, at the same time ‘andun ‘yung internal cleansing also to identify ‘yung mga scalawags and to weed them out of the organization. Kasi ito ‘yung sumisira, eh.

“They are taking advantage of the anti-drugs campaign and they have to be removed,” sabi pa ni Cuy.

National

PNP, nakasamsam ng tinatayang <b>₱20B halaga ng ilegal na droga sa buong 2024</b>

Para gawin ito, sinabi ni Cuy na patuloy nilang sinasala ang recruitment, pagsasanay at deployment sa mga pulis.

“We are reviewing that, pinag-uusapan ‘yan including ‘yung proposal for the PNP to get back its control over the Philippine National Training Institute which trains our basic recruits. That's part of it,” ani Cuy.

Sinabi pa ni Cuy na sa kabila ng mga kontrobersiyang ikinakabit sa PNP ay magpapatuloy, aniya, ang kampanya ng gobyerno kontra droga. - Francis T. Wakefield