Ni: Leandro Alborote

TARLAC CITY – Patay ang tricycle driver at pasahero nito habang sugatan ang isa pa nang makabanggan ang kasalubong na pick-up truck sa Aquino Boulevard sa Barangay Mabini, Tarlac City, nitong Martes ng umaga.

Kinilala ni SPO1 Alexander Siron ang mga nasawing sina Allan Garcia, nasa hustong gulang, driver ng tricycle, ng Bgy. Baculong, Victoria; at July Tañedo, 48, ng Bgy. Balibago II, habang kritikal naman ang isa pang pasahero na hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Siron, nangyari ang salpukan dakong 3:50 ng madaling araw habang binabagtas ng Ford Ranger na minamaneho ni Paolo Carlo, 29, ng Sitio Paroba, Bgy. Tibag, ang kanluran ng Aquino Boulevard, nang makabanggan ang kasalubong na tricycle.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol