Ni: Marivic Awitan

SASABAK ang NLEX-SCTEX group 2017 Merlion Cup.

Ang torneo ay idaraos sa OCBC Arena Hall 1 sa ingapore sa Setyembre 20-24.

“We are thankful that the NLEX management, Boss Mon Fernandez, Boss Rod Franco, Boss Chris Lizo, and Boss Ronald Dulatre gave us this opportunity,” pahayag ni NLEX-SCTEX team manager Borgie Hermida. “These players are part of the NLEX-SCTEX family that are always ready when called up.”

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“We are proud to represent the country and the company,” aniya.

Pangungunahan ang Road Warriors ni Jason Perkins,isa sa mga naging susi sa kampeonato ng Cignal HD noong nakaraang 2017 PBA D-League.

Makakasama ni Perkins ang mga Hawkeyes na sina Oping Sumalinog, Pamboy Raymundo, Byron Villarias, Alfred Batino, Andreas Cahilig, at Harold Arboleda.

Kabilang din sa koponan sina dating NLEX at SCTEX players AJ Vitug, Mark Pangilinan, at Jaypee Belencion.

Kinuha rin nila para maging foreign reinforcement si 6-foot-9 Maurice Shaw na kasalukuyang naglalaro sa Thailand Basketball Super League.

Magsisilbing coach ng team si NLEX assistant coach Jojo Lastimosa.

Ang iba pang mga koponan na kalahok sa Merlion Cup ang hosts Singapore Slingers, Shanghai Sharks (China), Satria Muda Pertamina (Indonesia), Yulon Luxgen Dinos (Taiwan), Jeonju KCC Egis (South Korea), at Adelaide 36ers (Australia).

Noong nakaraang taon, tumapos ang Mighty Sports-Philippines na pinamunuan ni Kiefer Ravena na pangalawa sa torneo matapos mabigo sa Sharks sa Finals, 77-78.