Ni JIMI ESCALA
ISANG sosyal na non-showbiz friend na isa sa mga tagahanga ni John Lloyd Cruz ang nagparating ng balita sa amin na madalas niyang nakikita na magkasama ang actor at si Ellen Adarna.
Ayon sa kanya, sa mga kilos nina Lloydie at Ellen ay walang dudang may relasyon na ang dalawa.
“Magka-holding hands sila at sobrang sweet talaga. Kaya iisipin mo talagang sila na nga,” sey ng source.
Minsan na rin daw niyang naitanong kay John Lloyd kung nililigawan o girlfriend na nito si Ellen. Bagamat hindi naman kinumpirma ay hindi rin nagdeny ang actor, at ngiti lang ang isinagot sa kanya.
Magkasama sa programang Home Sweetie Home sina Ellen Adarna at John Lloyd. Sa isang interview kay Ellen noon ay itinanggi nito ang isyu sa kanila.
Pero ayon sa source, ilang beses na niyang nakikitang magkasama ang dalawa na hindi lang magkaibigan ang body language kundi magkarelasyon na.