Ni: Reggee Bonoan

BAKIT ka nag-artista?

Ito agad ang tanong namin kay Jerico Estregan nang interbyuhin namin para sa launching movie niyang Amalanhig na joint venture ng Viva Films at VicVal Blue Sapphire Productions.

Binasa muna kasi namin ang press kit ng binata habang kausap pa siya ng bloggers at impressive ang track record ng ikatlong binata ni dating Laguna Governor ER Ejercito, na present din sa presscon at inire-record ang panayam sa anak. Biro ni Gov sa amin, “Stage father ako.”

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Naitanong namin kung bakit gusto niyang mag-artista dahil kumukuha pala siya ng masteral (Communications major in Applied Mass Media) sa De La Salle University, at naging consistent dean’s lister hanggang sa magtapos ng Political Science.

Nakuha niya ang ikapitong puwesto sa 8th Asia Pacific 2017 International Bodybuilding & Fitness Championship at marami pang ibang sinalihan na nanalo rin at kasalukuyang head coach ng Nike + Run Club Manila.

“Ah, siguro normal din lang kasi na ‘yung pagiging artista or actor dahil I grew up in a family of people in showbiz or in the industry or public servant also,” sagot ni Jerico. “So ang pagiging aktor or artista keeps our competence when it comes to this kind of industry.

“Being an actor or ang moviemaking is ano ‘yan, passion namin ‘yan, gumawa ng pelikula, sana makatulong din sa iba.

It does run in (the family) especially that acting has caught my eye, my passion also.”

Kahit nag-aaral, may pinagkakaabalahan ding trabaho si Jerico.

“In my very spare time, I scheduled it, it doesn’t happen all the time, as an athlete I also head coach for Nike Run Manila. It’s my best time to share to other people or the other athletes, for having a holistic healthy lifestyle.

It’s running and conditioning timing, it’s what I do to other people, kasi we try to embed a healthy lifestyle.”

Gumamit ba siya ng steroids dahil sa poster ng Amalanhig at maging sa personal ay ang laki-laki ng muscles niya.

Nakatuwaan tuloy ni Isah Red ng Manila Standard Today na i-pictorial siya na kita ang malalaki niyang muscles.

“I don’t take steroids, it’s very not right but although I tried competing, I just try to keep myself consistent.

When I competed for Mr. Philippines, I won being a national champion in Physique and Fitness,” sagot niya.

Ang kanyang pelikulang Amalanhig ay nu’ng nakaraang taon pa natapos kaya kasama pa ang Reyna ng Aswang na si Ms. Lilia Cuntapay na sumakabilang-buhay na.

“At least once in my life nakasama ko si Lilia Cuntapay bago siya nawala, kasi ito ‘yung huling pelikulang nagawa niya, Amalanhig,” seryosong sabi ni Jerico.

Ano ang ibig sabihin ng Amalanhig?

“Amalanhig is half human-half creature, originally from Visayan mythology and folklore and then from the Panay Island. It tends to be vampire because of struggle and depression,” paliwanag ng binata.

“Masyadong binusisi ang editing, visual effects, sequences of events ng Amalanhig kaya natagalan bago ito ipalabas.

We’re not totally satisfied sa una kaya we had to help out sa paggawa ng pelikula. Sabi nga ng parents ko in doing movie, try to make the best, try to make some quality.”

Hindi si Jerico ang amalanhig kundi ang naghanap nito. Gagampanan niya ang isang college student kaya bagets ang itsura niya sa pelikula, naka-apple look ang buhok na mala-Bruce Lee.

“Med graduate student na gustong malaman kung totoo nga ba ang amalanhig, so nag-research kami about it at nakapunta kami sa probinsiya para malaman kung totoo nga ito,” kuwento ni Jerico tungkol sa karakter niya.

Bida na siya sa pelikulang ito pero hindi naman siya nakararamdam ng pressure dahil, “I think I was ready beforehand, na-prepare ko ang talent ko when it comes to this industry which is acting. Four talents naman sa industry, acting, hosting, dancing, singing. Pagdating sa ganito, no pressure kasi normal lang sa akin kasi nag-workshop na and (may) experience na ako kaya I’m ready,” katwiran ng binata. “Actually not pressure, more on excitement.”

Magpapakita ba siya ng katawan o abs sa pelikula na tiyak aabangan ng ilang kababaihan at gays?

“Dito wala akong eksenang naka-topless, but more of my scenes naka-sando, pero it’s a fit sando, so I think my physique here is maipapakita. Saka when it comes to horror or action films this is one way to show masculinity,” sagot ng baguhang aktor.

Samantala, napansin naming magkaiba ang itsura ni Jerico sa personal at sa screen at mas guwapo kapag mahaba ang buhok kaya biniro siya na malaki ang kalamangan niya sa tatay niya.

“Maganda nanay, eh,” sagot naman ni Gov, na ang tinutukoy siyempre ay si Pagsanjan Mayor Maita Sanchez.

“Imaging is very important,” napangiting sabi ni Jerico na nagsabing sa susunod na project ay nakahanda na siyang magpakita ng hubad na katawan.

“Depende kung anong klase pero kung may mga eksenang kailangan ganu’n ang suot, okay lang naman kasi wala naman akong ikinakahiya pagdating sa katawan ko,” kaswal na sagot ng binata.

Halatang disiplinadong tao si Jerico. Sa edad na 26 ay five years na siyang loveless bagamat may mga fling naman daw siya. Hayun, humingi kami ng paliwanag kung ano ang ‘fling’.

“It just comes, eh, that you get too much from other people. Hindi naman easy to get ang fling, minsan mga fling minsan choosy pa,” napapangiting sagot ng binata.

Hirit namin, ‘when you say fling, do you go beyond?’

“Go beyond, sometimes,” sabay tawang sagot ng binata na tila kinilig pa. Pero, “Beyond what?” balik-tanong sa amin, na sinagot namin ng, “You know what I mean.”

“Hindi naman inaabot ng one-night stand, minsan you can make it two-times or more,” pilyong sagot ni Jerico kaya napapatingin tuloy ang ama.

Hirit ulit namin kung ang fling bang sinasabi ni Jerico ay umaabot ng isang buwan, “one month happens one and then after two or three months you see her again on the fourth month,” masayang sabi ulit ng binata.

Baka sa kapi-fling, hindi na siya makaramdam ng seryosong pagmamahal.

“Sometimes siguro hindi mo na feel. Minsan kasi ang fling hindi mo dini-declare na girlfriend mo siya, wala kasing assurance or not 100% sure na siya ang tipo ng taong proud na proud ka,” katwiran sa amin.

Medyo naguguluhan pa rin kami sa tinatawag na fling, kaya giit namin ulit sa binata, kung halimbawang may ka-fling siya at nakita niya sa isang event na may kasamang ibang lalaki, okay lang ba sa kanya?

Matagal bago nakasagot ang binata.

“Ah, okay lang siguro ‘yun, if she never cleared out that she just fling around then it’s never meant to, parang ganu’n.”

Naging alumpihit na si Jerico nang may magtanong kung nagpa-practice na siya ng safe sex.

“Practice sex?” hiyang-hiyang reaksiyon ng binata, “it has to be safe talaga! Do I use rubber, it’s not part of the... ibalik na lang natin sa movie. Hindi naman ito FHM, eh,” namumula nang sabi ng binata.

“Be careful of what you’re saying Jerico,” paalala ng tatay niya sa kabilang mesa.

“It’s not part of the movie,” muling pakiusap ng aktor.

Pero giit ni Katotong Leo Bukas, “Ang lalaki ba dapat maingat sa ganu’n?”

“Maingat ka dapat kasi ayaw mong magkasakit. Yeah, you don’t want anything wrong to happen, you don’t want to face things that you’re very unprepared for,” seryosong sagot ng binata.

Hirit namin, paano kung ‘yung mga naka-fling niya ay gusto siyang makita ulit?

“’Pag feel ko, okay lang naman din. Pero not all the time there’s something happening. Eh, puwedeng coffee, gimmick lang. I drink occasionally even though I’m an athlete. Sometimes you have to reward yourself. But I don’t smoke, I tried it but if affects my physical performance, so I don’t,” paliwanag niya.

So, kaya hindi nami-miss ni Jerico na magkaroon ng girlfriend dahil may mga fling siya?

“Siguro, parang ganu’n. Kasi sometimes when you have a girlfriend it’s some sort of commitment, ayoko totally ng natatali, even though ‘yung sinasabi nila na time, you really have to give time talaga.

“Ayaw ko ng text nang text ng how are you, kumain ka na ba? Okay lang din, pero not all the time, ha-ha. But sometimes, yes, but sometimes when you’re busy, it lessen your time with your girlfriend or to these people.”

Habulin din ba ng babae si Jerico na tatak na ng mga Estregan o Ejercito?

“Okay lang naman, kasi parang kasama ‘yun ‘pag kailangan mo ng inspiration and motivation, so these people can help you achieve,” sagot niya.

Mapagbigay ba si Jerico sa mga babaeng may gusto sa kanya?

“Mapagbigay, yes, I give them chances to be with me, to know me more while doing many things, have coffee together, eat together, go to events together (may sumingit ng go to bed together), sa bed? Puwede namang matulog lang naman,” natatawang sagot ng binata.

Paano niya i-handle ang mga fling na obsessed sa kanya?

“Basta stay patient, don’t be too attatched, don’t take it personally, don’t take your emotions bring into this because she’s still have to do other things at the same time. Kasi if you put youself down there, baka lang maapektuhan ‘yung iba mong ginagawa, kaya ‘wag na lang.”

O, hayan girls, sa future girlfriend o planong i-fling si Jerico, alam n’yo na ang dos and donts.

Going back to Amalanhig, si Sanya Lopez ang leading lady ni Jerico at mapapanood na sila sa Setyembre 20 nationwide mula sa direksiyon ni Gorio Vicuna.