Ni REGGEE BONOAN

SABIK na inabangan ng mga tagasubaybay ng La Luna Sangre (LLS) ang naging pahulaan kung sino si Jacintha Magsaysay na nang bumulaga na finally sa screen nitong nakaraang Miyerkules ay nag-trending agad dahil si Angel Locsin pala.

Nagtala ng 31% sa ratings game ang pagbabalik ng dalaga sa programa.

ANGEL AT RICHARD_option lang copy copy

Mga Pagdiriwang

BALITAnaw: Paggunita sa unang anibersaryo ng giyera sa Israel at Gaza

Bakit nga ba bumalik si Angel sa LLS?

“From the start of La Luna Sangre, alam na namin na darating ang karakter ni Jacintha Magsaysay,” paliwanag ng Star Creatives manager na si Henry Quitain nang humarap sila ni Angel sa ipinatawag na special presscon kahapon. “Kung matatandaan ninyo, si Direk Cathy (Garcia-Molina) nu’ng presscon na sinabi niyang, ‘Malay n’yo may magbabalik, may mabubuhay na namatay’ or something like that. Nakalatag po kami. Even the promo alam nila kung kailan babalik si Jacintha, kaya lang nanggulat lang po kami at walang pasabi-sabi, hayan na si Ms. Angel Locsin.”

Ano naman ang komento ng aktres sa sinasabing support o guest appearance lang siya ngayon sa LLS dahil sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla talaga ang bida?

“Siguro sa ibang tao magtataka talaga sila kung bakit bumalik si Angel, I’m very proud na nasimulan ko ‘yung Lobo, Imortal at ang pilot ng La Luna kaya malapit po sa akin ang proyektong ito at medyo kinulit din naman nila ako ng bongga na kailangan sa story at ako naman ay I’m very happy and any opportunity na magkaroon ako ng bigay-suporta sa bagong artista para mapaganda ‘yung show. Okay naman ako ro’n, wala naman pong problema,” sagot ng dalaga.

“Hindi po guest ng show,” mabilisang paglilinaw ni Henry, “she is a main character of the show, katulad po ng sinabi ko kanina na ginawa ang kuwento na kasama siya talaga, kasama ang pagbabalik niya at kasama ang pagdating niya sa show. Saka ang La Luna po ay kuwento nila. So, I won’t consider her as a support for KathNiel though this is a KathNiel teleserye at hindi naman po natin tatanggalin iyon sa kanila dahil sila naman talaga ‘to. Talaga lang Angel is part of the show kahit sina Richard (Gutierrez), Tony Labrusca, Joross Gamboa, lahat po sila, kuwento nila itong La Luna Sangre.”

Reincarnation ba ni Lia si Jacintha?

“Actually, kaya po ako nai-excite kasi gusto ko ring malaman kung ano ba talaga kapupuntahan nu’ng Jacintha Magsaysay na karakter ko,” nakangiting sagot ni Angel. “Kasi sabi nga nila, this is a fantaserye anything can happen kaya puwedeng maraming mabuhay, puwedeng maraming maging anggulo ng kuwento kaya marami po talagang aabangan ang audience.

Isa talaga ito sa mga palaisipan, sino ba talaga si Jacintha Magsaysay.”

Gaganap si Jacintha Magsaysay bilang political strategist ni Gilbert Imperial/Sandrino (Richard).

Tuwang-tuwa si Angel sa pawang positibong feedback sa pagbabalik niya sa LLS nang makausap namin pagkatapos ng presscon.

“Masaya kasi karamihan naman ay natutuwa at ‘yung ibang hindi wala namang violent reactions at kung may concern sila, walang direkta sa akin. Siyempre sa bida concern sila, tulungan tayo rito, wala namang ipapasok ang management na hindi makakatulong sa show at makikinabang din pati ang KathNiel. At saka very nice sa akin ang KathNiel, super pasalamat nga sa akin sila nu’ng pilot kaya natuwa ako sa kanila, kasi marunong silang magpasalamat hindi ko inaasahang magti-thank you sila sa akin. Kaya natuwa ako’t alam nila ‘yung mga taong tumutulong sa show nila,” kuwento ni Angel.

Nangumusta na rin kami tungkol sa relasyon nila ni Neil Arce at kung sila na.

“Okay naman kami, tina-try namin ‘yung parang kami pero hindi , magulo ba? Ako rin naguluhan, eh,” natawang sagot ng dalaga.

“Ano ba dapat? Hindi ko rin ma-explain, pero parang ganu’n. ‘Pag lumalabas kami hindi naman kami nagtatago, so parang ganu’n, siguro label na lang ang wala kasi hindi naman niya ako tinanong, hindi rin naman ako sumasagot ng oo. Hindi rin kami nagdi-date ng iba, he’s very nice, napakabait at matalino,” paliwanag ng dalaga.

Nagsasabihan na ba sila ng ‘I Love You.’

“May nag-a-I love you, maraming beses na nag-I love you,” say niya.

Siya ba mismo, nagsasabi ng I Love You kay Neil?

“Oo, pero ‘yun nga, walang label. Kung mayroon makapag-explain, tawagan n’yo ako,” natawa uling sabi ng dalaga.

‘E, di kayo na nga!’ hitir namin.

“Ang alam ko kasi kapag kami na, may oo at anniversary date, eh, wala naman,” sangga ni Angel. “Baka sabihin naman assumera ako.”