NI: Fer Taboy

Dalawa ang kumpirmadong nasawi habang 100 pa ang ginagamot ngayon sa ospital kaugnay ng cholera outbreak sa Albay.

Namatay sina Criselda Imperial, at isang 11-anyos na estudyante ng Barangay Caratagan, kapwa taga-Pioduran, Albay.

Dalawang mga anak ni Imperial ang isinugod sa ospital makaraang makaranas din ng pagsusuka at pagtatae.

Probinsya

15-anyos na dalagita, patay matapos umanong gahasain ng 13 lalaki

Nabatid na nananatili pa sa ospital ang aabot sa 100 katao na nabiktima ng cholera.

Samantala, kabilang sa apektado ng outbreak ang mga bayan ng Oas at Libon.

Agad na humingi ng tulong si Oas Mayor Domingo Escoto sa pamahalaang panglalawigan upang mapigilan ang pagdami pa ng mga biktima.

Sinabi ng pamahalaang panglalawigan ng Albay na maaaring ang epidemya ay bunsod ng maruming tubig na iniinom ng mga residente.