Ni: Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon

(Fil Oil Flying V Center)

12:00 n.t. -- Letran vs Perpetual Help (jrs/srs)

ALAMIN: Ano nga ba ang EBET Law na pinirmahan ni PBBM

4:00 n.h. -- JRU vs Arellano (srs/jrs)

TATANGKAIN ng Jose Rizal University na mahila ang ang nasimulang winning streak sa pagtatapos ng unang round sa pagsabak kontra Arellano sa pagpapatuloy ng ikalawang ikot sa elimination ng NCAA Season 93 basketball tournament ngayon sa Fil Oil Flying V Center sa San Juan City.

Benilde's Carlo Young (leftmost) tackles San Beda's Robert Bolick during the NCAA Round 2 match at Filoil Flying V Centre in San Juan, September 5, 2017 (Rio Leonelle Deluvio)
Benilde's Carlo Young (leftmost) tackles San Beda's Robert Bolick during the NCAA Round 2 match at Filoil Flying V Centre in San Juan, September 5, 2017 (Rio Leonelle Deluvio)

Sisikapin ng Heavy Bombers na dugtungan ang naitalang four-game winning streak upang pagtibayin ang kapit sa third spot (6-3) sa likod nang walang talong Lyceum (10-0) at problemadong San Beda (9-1).

Haharapin nila ang Chiefs sa tampok na laro sa 4:00 ng hapon.

Sa kabila ng naitalang winning run, hinahanap pa rin ni JRU coach Vergel Meneses ang consistency at maturity sa kanyang mga players partikular sa mga beteranong sina Tey Teodoro, Ervin Grospe at big man na sina Abdulrazak Abdulwahab at Abdel Poutouchi.

Mauuna rito, magtatapat ang Letran at University of Perpetual sa pambungad na laban ganap na 2:00 ng hapon.

Sisikapin ng Knights na makabalik sa winning track matapos ang naging kabiguan sa kamay ng league leader Lyceum sa huling laro nila sa first round habang tatangkain naman ng Altas na makabangon sa huling pagkatalong natamo sa kamay ng Emilie Aguinaldo College Generals.

Parehas maghahangad ang Altas at Chiefs na makaahon mula sa kinalalagyang 6th spot kung saan magkasalo sila sa kasakuluyan taglay ang kartadang 3-6.

Nanatiling malinis ang karta ng Pirates, sa pangunguna ni CJ Perez na kumana ng 22 puntos, matapos pataubin ang Mapua Cardinals, 96-90, nitong Martes.

Nanaig din ang San Beda Red Lions sa College St. Benilde Blazers, 72-58, ngunit hindi makakalaro si MVP candidate Robert Bolick at si Clint Dolinguez sa susunod na laro bunsod nang kanilang ‘ejection’ nang masangkot sa gulong nilikha ng hard-foul ni Blazers stringer Carlo Young sa krusyal na sandali ng kanilang laro.

Ikinadismaya ni Bedan coach Boyet Fernandez ang desisyon ni NCAA commissioner Bai Cristobal, higit at si Bolick ang biktima at nangungunang kandidato sa MVP.

Batay sa regulasyon ng liga, awtomatikong laglag sa individual award ang player na may ‘unsportsmanlike conduct’.

Iskor:

(Unang Laro)

San Beda (72)- Bolick 14, Potts 12, Mocon 10, Soberano 8, Tankoua 7, Cabanag 5, Noah 5, Bahio 4, Carino 3, Adamos 2, Doliguez 2, Abuda 0, Oftana 0, Tongco 0

St. Benilde (58)- Leutcheu 25, Domingo 8, Sta. Maria 8, Pili 5, Castor 4, Belgica 2, Dixon 2, Naboa 2, San Juan 2, Johnson 0, Young 0

Quarterscores: 17-18; 41-28; 63-41; 72-58

(Ikalawang Laro)

LPU (96)- Perez 22, Jc. Marcelino 19, Ayaay 10, Tansingco 10, Caduyac 8, Pretta 8, Jv. Marcelino 6, Liwag 5, Nzeusseu 5, Marata 3, Baltazar 0, Cinco 0, Ibanez 0, Santos 0

Mapua (90)- Gabo 21, Bunag 18, Victoria 16, Aguirre 11, Nieles 9, Orquina 7, Pelayo 6, Raflores 2

Quarterscores: 20-21; 48-43; 73-58; 96-90