Ni: Raymund F. Antonio

Sinabi kahapon ni Vice President Leni Robredo na ang pagbasura ng Korte Suprema sa mosyon ni dating Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ay nagbigay-tuldok na sa mga kumukuwestiyon sa integridad ng automated elections noong nakaraang taon.

“Iyong pag-dismiss noong first cause of action, parang kinonfirm lang iyong matagal na naming sinasabi. Na una, talagang malinis ‘yung eleksiyon,” sinabi ni Robredo sa mga mamamahayag sa kanyang pagbisita sa Pasay City kahapon.

“Hindi lang kami ang nagsabi noon, pero lahat ng election watchdogs, sinabi na malinis [iyong naging eleksiyon], so hindi totoo na massive iyong cheating,” dagdag niya. “Masayang masaya kami kasi parang marami nang kinukuwento na hindi naman totoo.”

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Sa 34 na pahinang resolusyon, ibinasura ng Presidential Electoral Tribunal (PET) ang mosyon ni Marcos na kumukuwestiyon sa integridad ng halalan bilang bahagi ng election protest nito laban kay Robredo.