Ni Betheena Kae Unite

Milyun-milyon pisong halaga ng luxury cars at produktong agrikultural ang nasabat ng Bureau of Customs (BoC) sa Manila International Container Port (MICP).

Dalawang segundamanong Mercedes Benz ang nasabat nitong Agosto nang dumaan sa red lane ng kawanihan.

Taken with a fish eye lens, Customs Commissioner Isidro Lapeña lead the inspection on the seized two luxury cars, auto parts worth millions at the Manila International Port on September 06,2017.(Czar Dancel)
Taken with a fish eye lens, Customs Commissioner Isidro Lapeña lead the inspection on the seized two luxury cars, auto parts worth millions at the Manila International Port on September 06,2017.(Czar Dancel)

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Ayon kay Atty. Vincent Philip Maronilla, MICP district collector, nagmula sa Hong Kong ang nasabing kontrabando, na tinatayang nagkakahalaga ng P10 milyon.

Aniya, idineklarang auto parts ang laman ng kargamento na naka-consign sa Juljerjac Trading, subalit nakitaan ito ng mga iregularidad nang dumaan sa X-ray machines.

Kinumpiska ang 40-footer shipment sa paglabag sa probisyon ng Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) na may kaugnayan sa Section 3 ng Executive Order 156 na nagbabawal sa pag-aangkat ng mga segundamanong sasakyan, ayon kay Maronilla.

Ipinakita kahapon ni bagong Customs Commissioner Isidro Lapeña sa mga miyembro ng media ang dalawang nasabat na luxury car.

Bukod dito, nakasabat din ang BoC ng P9 milyon halaga ng mga produktong agrikultural, gaya ng sibuyas at carrots, sa MICP na nagmula sa China, ayon kay Lapeña.

“This was declared as garlic but turned out to be red onions. This is prohibited because this is being produced by our farmers,” paliwanag ni Lapeña.

GREEN LANE SUSPENDIDO

Samantala, sinuspinde na ng bagong Customs chief ang green lane o “fast lane” sa kawanihan noon pang Agosto 30, ang unang araw niya sa puwesto.

“When I assumed as the commissioner of the Bureau of Customs, I instructed that the green lane will not be used,” sabi ni Lapeña. “All will have to go through the yellow lane and the red lane until such time that we will be able to perfect the system of this red, yellow, and green lane.”

Ayon kay Lapeña, sasailalim sa pag-aaral ang nasabing sistema pero tiniyak na ibabalik ito sa mga susunod na araw.

“Baka matagal na nga ‘yung one week, eh. I just want to be sure that the program is functioning properly. When it’s working properly, ibabalik na,” ani Lapeña.