Ni: PNA
SINIMULAN na ng Amerika ang pakikipagtulungan sa gobyerno ng Pilipinas upang maibalik sa mga Pilipino ang mga kampana ng Balangiga sa pinakamadaling panahon.
“There is an ongoing effort, ongoing discussion within the US government and with the Philippine government to try to facilitate the return of these bells as quickly as possible. I believe it’s the right thing to do and I really do hope that we’ll be able to return the bells soon,” sinabi ni United States Ambassador to the Philippines Sung Kim sa isang press briefing.
Naniniwala si Kim na ang mga kampana ay “emotionally and historically important matter” para sa mga Pinoy.
Hindi nagbigay ang Ambassador ng aktuwal na petsa sa pagsasauli sa mga kampana.
Tinangay ng mga Amerikanong sundalo ang mga kampana ng Balangiga mula sa bayan ng Balangiga sa Samar mahigit isang siglo na ang nakalipas sa panahon ng digmaan sa pagitan ng Pilipinas at Amerika. Inangkin ng mga sundalong Amerikano ang nabanggit na reliko at iniuwi sa Amerika bilang tropeo ng digmaan.
“It’s very difficult for me to predict things, the timeline but I assure you that we are deeply committed to making sure that the bells are returned to the Filipino people and I hope that we’ll be able to see some progress not at distant future,” sabi ni Kim.
Nagsimula ang mga pagpupursige sa isyu isang buwan makaraang umapela si Pangulong Rodrigo Duterte sa Amerika na ibalik sa Pilipinas ang mga kampana ng simbahan ng Balangiga sa kanyang ikalawang State-of-the-Nation Address (SONA) noong Hulyo.
Samantala, nangako naman ang gobyerno ng Amerika, sa pamamagitan ng United States Agency for International Development (USAID) ng embahada nito sa Pilipinas, na magkakaloob ng P730 milyon ($14.3 million) halaga ng emergency relief at recovery assistance para sa mga komunidad na naapektuhan ng bakbakan sa Marawi City, Lanao del Sur at sa mga lugar na nakapaligid dito.
“The United States is deeply committed to this relationship and remains ready to support our friend and ally as we face the challenges and opportunities,” sabi ni Kim.
“We all look forward to the end of the crisis, and the end of the fighting and suffering. We have been and will continue to support the Philippine government’s efforts to deal with the crisis,” dagdag pa niya.