Nina FER TABOY at ANTHONY GIRON

Patay ang limang katao habang 11 iba pa ang nasugatan makaraang bumangga sa konkretong poste ng kuryente ang sinasakyan nilang jeepney habang binabagtas ang Centennial Highway sa Kawit, Cavite, kahapon ng umaga.

A worker prepares to tow a Jeepney, five people were reported killed and 12 injured in road crash at Centennial Road in Kawit, Cavite on September 06,2017.(Czar Dancel)
A worker prepares to tow a Jeepney, five people were reported killed and 12 injured in road crash at Centennial Road in Kawit, Cavite on September 06,2017.(Czar Dancel)

Ayon sa report ni Chief Insp. Jeffrey Punzalan, ng Kawit Municipal Police, siyam sa 11 nasugatan ang kritikal ang lagay.

Human-Interest

ALAMIN: Ano ang silbi ng ‘bollards’ at paano nito pinipigilan ang aksidente?

Aniya, nawalan ng preno ang jeep (DVK-713) hanggang tuluyang sumalpok sa poste bandang 6:00 ng umaga kahapon.

“Walang ibang involved na sasakyan ... self accident po. Bumangga ito (jeep) sa poste,” ayon kay Punzalan.

Kinilala ni Punzalan ang mga nasawi na sina Lorena Abiera Isaias, 43, ng Binakayan, Kawit; Lorena Purification, 44; Malanie Andaya Macalalad, 32; Florijane Archivida; at Christian Pallera, 36, pawang taga-Imus.

Sugatan naman sina Joanna Campos, 31; Arjay Valencia, 24; Jullan Villamor, 24; Jovie Love Cañada, 27; Rosalie Raquea Pallera, 40; Armando Molina, 69; Richard Refonte, 26; Elizabeth Guttierez, 33; Fatima Illardo, 23; Hazel Dimaala, 29; at ang driver na si Emmanuel Asis Genzole, 52 anyos.