Ni: Marivic Awitan

PINANGUNAHAN ni Gavin Fernandez ang koponan ng Camarines Sur upang mamayani sa 2017 Ginebra San Miguel 3-on-3 Basketball Tournament National Finals nitong Linggo sa Smart-Araneta Coliseum.

Nagsilbing undercard sa isa na namang edisyon ng Manila Clasico na nagtampok sa Ginebra at Star, ipinasok ni Fernandez ang pressure-packed free throws may nalalabi na lamang 34.0 segundo upang ibigay sa Cam Sur ang bentahe kontra La Union, 14-13.

May tsansa pang maagaw ng La Union ang lamang at tagumpay ngunit, sumablay si Jonathan Ablao sa kanyang three-point shot, gayundin ang tip -in ni Firmorico Francisco.

Kumubra si Fernandez ng anim na puntos, habang nag-ambag si Dan Michael Uy ng apat na puntos para sa Came Sur.

'I really love you kuya!' Tapatang Pacquiao brothers, ekis mangyari!

Tinanggap nila ang premyong P50,000 cash prize, tropeo at mga produkto ng Ginebra San Miguel.

Nag -uwi naman ang La Union ng P25,000 cash prize at Ginebra San Miguel products.