SASABAK ang Gilas Pilipinas sa FIBA Asia Champions Cup sa Setyembre 22-30 sa Chenzou, China. Ngunit, imbes na sa Gilas lumaro, sa koponan ng defending champion China Kashgar lalaro si naturalized-Filipino Andray Blatche.

Pinangunahan ng 31-anyos na si Blatche ang Kashgar sa pagwalis sa torneo sa nakalipas na taon, tangan ang averaged na 20 puntos, 10 rebounds, at apat na assists.

Bunsod umano ng banta sa kanyang seguridad, hindi sumama ang dating NBA player sa kampanya ng Gilas Pilipinas sa FIBA Asia Cup sa Beirut, Lebanon kung saan nagtapos ang Pinoy sa ikapitong puwesto.

Sa kanyang Twitter account, pormal na ipinahayag ni Reyes ang pagsabak ng Gilas sa Championshs Cup,ngunit walang nabanggit sa disposisyon ni Blatche.

Another gold! Hidilyn Diaz, isa nang guro sa UP Diliman

Binubuo ang Gilas ng mga potential top PBA draft pick na sina Christian Standhardinger, Kiefer Ravena, Ray Parks Jr., Raymar Jose, at Jeron Teng.

Dati na ring pinagharian ng bansa ang torneo tulad ng Apcor (1981), Northern Cement (1984), Swift-PABL (1988), Andok’s (1995), at Hapee Toothpaste (1996).

May kabuuang 10 koponan ang sasabak sa torneo na hinati sa dalawang grupo.

Bukod sa Gilas at China Kashgar, lalahok din ang Al Riyadi, BC Astana, Mono Vampire Basketball Club, Oil Natural Gas Corporation, Petrochimi, Saryyet Ramallah, Shabab Al-Ahli-Dubai, at Taipei Dacin Tigers