Ni: Rommel P. Tabbad

Posible pa ring magdulot ng mga pagbaha at landslide sa tatlong lugar sa Norte ang buntot ng bagyong ‘Kiko’ na lumabas na sa Philippine area of responsibility (PAR).

Kabilang sa tinukoy ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang Batanes islands, Ilocos Region at Zambales na pawang madaling bahain.

Huling namataan ang bagyong ‘Kiko’ sa layong 100 kilometro sa hilagang kanluran ng Calayan, Cagayan. Taglay nito ang hanging 55 kilometro kada oras at bugsong 65 kph habang patungo ng China.

Charo Santos, Dingdong Dantes papasok sa Bahay Ni Kuya